Friday, August 21, 2009

HINDI kasi Kagalang-galang!!

Nakapasok ang mga raliyista sa gate na Malakanyang, at dahil na naman sa masyadong paggamit ng kapangyarihan, ang mga raliyistang kawawa ay pinagpupu-pukpok ng mga sunud-sunurang pulis na inutusan ng demonyong si Gloria.

Ang rason nila, pambabastos na raw iyon. Sa gate lang naman 'yon e, hindi pa naman mismo sa loob ng Palasyo. Bakit natatakot ba kayong mangyari ulit 'yong nangyari noon?

Isa pa, naghahanap kayo ng respeto. Tanungin nyo mga sarili nyo kung karespe-respeto ba kayo? HUH?

'Wag na kayong umasa na irespeto pa kayong mga tao kasi mga Hayop naman kayo. Mga wala kayong puso.

Sa dami na ng mga ginawa nyong kasalanan sa taong bayan, naghahanap pa rin kayo ng respeto. Por Dyos Por Santo naman. Ang Kapal din naman kasi ng mukha nyo.

Nakukuha nyo pang humarap sa taong bayan s ginawa ninyong panggagago ninyo.

Grabe! Anlaki ng perang inubos ninyo sa pagkain lang ng ilang tao. Kahit pa sabihing pera nyo yan kung ibinigay nyo na lang yan sa mahihirap, di nakatulong pa kayo, pero sigurado ba talaga kayong pera nyo yan? Madali lang namang magsinungaling lalo na sa mga taong MADALAS ng GAWIN yan. EXPERT ba?

Akala ko ba nabawasan ang mga taong nagugutom, e bakit yong balita sa TV PATROL (Aug. 14, 2009) e may taong namatay sa gutom. YAn ba? Yan ba ang ipinagmamalaki nnyong nabawasan ang nagugutom? Naka!! Saksakan ka talaga ng sinungaling. Baka kayo lang ang hindi nagugutom.

Tapos maghahanap kayo ng respeto? Heller?

Tuesday, August 18, 2009

Nasaan anmg Pondo?

Pinaghihirapan ng bawat pilipino na nagtratrabaho sa ibang bansa ang kinikita nila at tinitiis ang hirap, pati ang malayo sa pamilya ay tinitiis nila para lang mabigyan ng magandang buhay ang pamilyang naiwan nila dito sa pilipinas.

Bukod doon nakakatulong din sila sa pagganda ng ekonomiya natin, pero bakit hindi man lang magawang tulungan ng mga lintik na nasa gobyerno ang mga kababayan nating nagtratrabaho sa ibang bansa, at imbes na tulungan NILUSTAY pa ang P11B Pondo na para sa mga OFW.

Marami sa mga pilipino at pinagmamalupitan ng mga employer, naloloko ng mga pekeng recruiter, iba ang pinirmahng kontrata dito yon pala ang gagawing trabaho doon. Wala man lang pangil na pwede prumotekta sa kanila sa mga mapagsamantala.

Grabe nang pagpapahirap sa kanila. Wag naman sana silang ipagsawalang bahala. Hindi na nga ninyo sila maprotekthan ng maayos tapos kukunin at ibubulsa pa ninyo ang dapat sana'y para sa kanila. Wag naman sana silang babuyin.

Hindi ba kayo nahihiya? Gano'n na ba talaga kakapal ang mga pagmumukha nyo? Ibalik ang dapat na para sa kanila. Wag kayong manggoyo. Tandaan nyo mamamatay din kayo at di nyo yan madadala sa IMPIYERNONG PUPUNTAHAN ninyo. Maawa kayo sa kanila.

Wednesday, August 12, 2009

Ang Kakapal ng Mukha Nyo....!!!!

Marami sa ating mg pilipino ngayon ang nagdarahop. Kahit anong pursige nila sa trabaho minsan kinukulang pa rin sahod nila, kaya tinitipid nila ito, pati ang pagkain, pero ang mga nasa gobyerno nakuha pang kumain ng pagkaing halos isang milyong piso ang halaga..

GRABE! Kahit sabihin ninyong galing yan sa bulsa ninyo, sana naisip nyo na marami sa mga pilipini ngayon ang naghihirap. Sa isang milyong piso na yan, maraming pamilya na ang mapapakain n'yan!

Palibhasa wala kayong awa sa mga nasasakupan nyo at naaatim ninyong makita silang namamatay sa gutom basta para sa inyo makakain ng maayos.

Mabuti at nasisikmura ninyong kumain nang hindi naiisip ang mga kababayan ninyong nagugutuman..

Mga WALANGHIYA kayo!! Mga WALA kayong Kwenta na naging tao..

Ang KAKAPAL ng MUKHA nyo.. Mabuti at nakukuha nyo pang humarap sa sambayan sa kabila ng ginagawa ninyong kagaguhan!!

Sunday, August 9, 2009

Kalayaan!!


..Tinatamasa natin ngayon ang kalayaan na ipinaglaban noon sa Edsa.


Kalayaanng bumoto ng nais nating iluklok at kalayaang ipahayag kung ano ang nasa loob. Hndi ba't kusarap damhin ang kalayaang ito?


Ngunit minsang niyurakan ang kalayaang nating mamili ng nais nating iboto ang nais nating pangulo at sya sana ang nanalo kung hindi nakialam at minaniobra ng isang taong hangal ang halalan.


Dahil sa nais nyang manitili at tumagal sa pwesto kung ano ang pinaggagagawang kabalbalan sa gobyerno. Nariyan ang isulong CHA-CHA, at kapag minalas pa tayo maaari pa syang magdeklara ng martial law na syang muling sasakal sa mamamayang pilipino.


Hanggang kailan natin matatamasa ang KALAYAANg ito? Hanggat nariyan sa ang isang taong sakim sa kapangyarihan, ayaw maalis sa pwesto at handang gawin ang lahat para tumagal sa pagkakaluklok, walang kasiguraduhan ang kalayaan natin ngayon..

Saturday, July 4, 2009

CHA-CHA Wag Ipilit !!!

Kailan lang ay pinirmahan na ng mga kongresista ang pag apruba sa CON-ASS. Sabi nga ng ilan na tumututol dito ay tila parang na-gang rape sila dahil sa dami ng mga kasapi ng partido na kinabibilangan nila at dinaaan lang daw sa lakas ng sigaw, (SIGAW lang pala, sana kung pwede rin kaming mga ordinaryong tao di sana sinigaw din namin ang NO!)


Kayong mga nagsipirma, hindi pa nga lang kayo namamatay, inuod na yang mga UTAK nyo, kasi naubos na. WALA NA! Sabagay kaya kayo pumirma dahil hangad nyo din ang pag-extend ng pwesto dahil makikinabang din kayo. Grabe!! Ang KAKAPAL ng MUKHA nyo! Paano nyo nakukuhang humarap sa tao gayong puro KATARANTADUHAN ang nalalaman nyo. Bakit pa kayo naging tao e dagdag lang kayo sa nagpapasikip dito sa mundo! Wala kayong malasakit sa taong bayan puro sarili nyo lang ang iniisip nyo.


PROSPERO NOGRALES, nasa'n ang puso mo (kung mero ka man!). Bakit mo hinahayaan na mangyari ito sa bansa ni Juan? Kapangyarihan at maging tuta na lang ba ng impakto ang nais mo? Wala ka ding utak! Nasa isang panig ka lang. Hindi mo rin pinakikinggan ang sigaw ng taong bayan dahil ang pinakikinggan mo lang ay ang amo mo. Lugmok na ang BANSA ni JUAN dahil punong-puno ito ng mga KURAKOT na PULITIKO.


KURAKOT at mga KURAKOT na syang nagpapahirap sa mamamayan. Paano pa bang paghihirap ang gusto nyong makita kay JUAN? Wag nyo sanang ipilit ang BULLSHIT na CHA-CHA na yan. Kayong mga pumirma, nag-apruba at nag-utos (ARROYONG PANDAK ikaw ba yon?), Mga Wala Kayong Kwenta! Mga Pwe kayo!


Arroyo (ayokong tawagin kang PRESIDENT kasi di ka namn talaga Pres. dahil PEKE ka naman talaga. ISJAPEYK!!), pwede ba wag mo ng ideny na wala kang alam sa pag-apruba no'n!

Nagmamaang-maangan ka pa. Artista ka rin e no? IMPOSIBLEng di mo alam yan? Sino bang makikinabang kung sakaling mapatupad mo yon? Di ba't IKAW at ang BUWAYA mong pamilya..letse!!


Gusto mo pang ma-extend sa pwesto dahio di ka pa tapos magnakaw sapera ng bayan dahil gumon ka a! Adik ka na sa pagnanakaw! Isa pa, natatakot ka ring maimbestigahan di ba? Nakakahiya ang Pilipinas dahil ang namumuno ay NUMERO UNONG MAGNANAKAW.. Magnanakaw na nga , PEKE pa, akalain mo yon!


Bakit ganon? Ang mga small time lang na magnanakaw pag nahuli kulong agad, pero ang mga BIG TIME, langya hanggang ngayon nasa pwesto pa rin TIBAY!! ANG TINDI talaga.

Ayaw bumamaba sa trono kahit may ebidensya na, pilit pa ring tinatakpan ang KAGARAPALAN nya at ang masaklap pa nito, gusto pang lumawig ang termino. Ang Kapal talaga! Sobrang kapal ng mukha mo!


At kung sakali mang manalo ka sa BWSISITna CHA-CHA na yan at mapalawig ang termino mo, nakkita mo ba kuna ano-ano ang mangyayari kay Juan? Lalo kaming maghihirap, at ang iba, lalong kakapit sa patalim. May madadagdag na magnanakaw at dadami ang mga babaeng magbebenta ng laman at sasayaw ng walang saplot sa mga bar may pangkain lang. TSK! TSK! TSK! Ano kaya kung subukan mo ring sumayaw ng walang saplot, Ay yuck! Wag na lang pala, KADIRI!! Saka isa pa di mo na kailangang maghirap ng ganun, e bakit pa, nagpapasasa ka na sa pera na di mo namn pinaghirapan! (FUCKSHIT naman!!)

Thursday, June 4, 2009

Eleksyon.....


Sa twing sasapit ang eleksyon maraming mga pulitiko ang nagnananis na makaupo sa bawat pwesto kung san sila tumatakbo.Pero bakit nga ba gusto nila makaupo? Gusto nga ba nila talagang makatulong o dahil para sa sarili nilang interes?


Bawat isa may kanya kanyang plataporma.. Plataporma na hindi nila ngagawa pag dumating na ang araw na nakaupo na sila..


Kanya-kanya sila ng siraan at labasan ng baho,basta ang importante masungkit lang nila ang pwestong target nila.


GUsto nila ng mas mattas na pwesto.. Minsan target pa nila ang pagka Pangulo..


Minsan isang bata ang tinanong, "Ano'ng pangarap mo paglaki mo?"

Sagot ng bata "Gusto ko po maging presidente" Tinanong ulit sya, "dahil ba gusto mo makatulong sa bayan?" ang sagot ng bata, "Hindi po. Para yumaman din po ako."


Hindi magandang biro pero minsan kung ano ang nakikita ng isang bata ay syang tinutularan nila. Kung ano ang nakikita nila sa matanda kahit mali ito, nagiging tama ito sa paningin ng isang bata. Iniidolo ang maling tao.


Kung gusto man nyang maging pulitiko balang araw, siguro'y para hindi makatulong kundi para tularan kung ano ang kanyang nakalakhan sa mundo ng pulitika, na puno ng pangungurakot at laging nagbubulsa..



Sana meron ding kumandidato na hindi sariling kapakanan ang iniisip..

Sana dumating ang araw na mauntog ang mga BUWAYANG PULITIKO na ibalik sa kaban ng yaman ng pilipinas ang kanilang ninakaw.

Sana sa pagtakbo ng pulitiko hindi ang Nagmamantikang PORK BARREL ang kanilang puntirya kundi ang pagtulong sa kanilang nasasakupan.. AT marami pang SANA na sana matupad..


Monday, June 1, 2009

ADIK, SABOG, BANGAG....

Kadalasan pag sinabi mong ADIK para sa iba ang literal na ibig sabihin nito ay "pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot!", ngunit hindi porke sinabihan kang "Adik ka!" ay yon na ang ibig sabihin non!

SA mga nakaupo sa Gobyerno, ay maraming matatawag na ADIK!

ADIK sa kapangyarihan...

ADIK sa pagkagahaman...

ADIK sa kasuwapangan!..

ADIK sa pagkamal sa pera ng bayan.!!!!


TULAD ng isang literal na ADIK, ang mga KURAKOT na nasa mga pwesto ay SABOG sa tinatamasa nilang kapangyarihan! Sila ang diyos sa kanilang nasasakupan! Kapag pumiyok ka at tinuligsa mo ang mga nakaupo sa gobyerno, "Patay kang bata ka!".

AT tulad ng isang ADIK na nasobrahan, sila'y BANGAG na sa pagkamal ng salapi sa pera ng bayan! Ibinubulsa ang perang dapat sana'y sa mga proyekto na siya sanang kapapakinabangan ng bawat mamamayan ng Pilipinas at makatulong sana sa mg ataong kapos ang pamumuhay ngunit dahil sa mga walang awa ng mga GANID na pulitiko hindi napupunta sa tama ang pondo kundi sa tamang bulsa ng ADIK na Pulitiko..



HANGGANG kailan kaya magtitiis si Juan sa lahat ng ADIK sa gobyerno??

HABAMBUHAY?


Wag naman!!!

Wednesday, May 20, 2009

POOR EDUCATION NO.1 ANG PILIPINAS

Malapit na naman ang pasukan pero marami na namang...Malapit na naman ang pasukan pero marami na namang problemang haharapin ang mga estudyante, guro at pati mga magulang na siyang nagtutustos ng pag-aaral ng kanilang mga anak..

Bawat taon lagi na lamang nagtataas ang paaralan ng matrikula pero kahit ganun, pikit mata minsang nangungutang ang mga magulang, maigapang lang nila sa pag-aaral ang kanilang mga anak at makita nila ang diploma nila..

Ngunit bakit hindi na lang pagtuunan ng gobyerno ang edukasyon dito sa ating bansa. Pagdating sa EDUKASYON bagsak ang pilipinas, pero pagdating sa CORRUPTION nangunguna ang pilipinas.

Bakit kaya hindi na lang idonate ang mga kinukurakot nila para sa mga batang hindi kayang pag-aralin, imbes na ibulsa ilagay na lang sa edukasyon ang pondo ng sa gayon marami pang bata ang makapag-aral at makinabang.Huwag lang sanang puro sarili ang isipin..

Marami ngayon ang lumalabas sa tv kung ano ang masaklap na kalagayan ng ating bansa.. Masyadong POOR ang EDUCATION..

..Kulang ang classrooms
..Kulang ang upuan..Kulang ang mga teacher
..KUlang ang libro (minasan mali-mali pa ang laman ng libro at wrong spelling pa.. ano ba yan?!)
..Kasi palibhasa ang namumuno at nasa gobyerno, KULANG-KULANG!!kaya pati edukasyon KULANG!!

Wag naman sanang pairalin ng mga nakaupo ang kakapalan ng mukha.. Maawa nman sana mga magulang at batang nagnanais at nangangarap makatapos ng pag-aaral.Napakahalaga para sa isang tao ang magkaron ng EDUKASYON..

Ito ang pinaka kayamanan ng mga taong nakapagtapos.wag naman sanang ipagkait ito sa mamamayan ng pilipino.At sa iba pang nakaupo na puro banat lang ang inaatupag, wag din sanang yan ang atupagin nyo..Marami pang mas makabuluhang bagay ang dapat na pagtuunan ng pansin..

Napakahirap pa nmang humanpng trabaho pag wala kang natapos!

Sa mga CORRUPT OFFICIALS, goodluck na lang sa mag KONSENSIYA nyo (kung meron man kayo!..)

Saturday, April 25, 2009

Ang GOBYERNO ng PILIPINAS Bow!!!!

Paulit-ulit na lang ang nangyayari sa magandang (sa kabaliktaran) pamamalakad ng gobyerno sa ating bansa..

Paulit-ulit na lang ang mga garapal na PULITIKO na nagnanais pang ma-extend ang kanilang katungkulan sa gobyerno. Marahil nasarapan sa KAPANGYARIHAN na tinatamasa. At hindi lang Kapangyarihan pati ang PAGKAMAL at PANGHUHUTHOT nila sa Kaban ng Yaman ng Pilipinas..Saan nga ba nanggagaling ang Kaban ng Yaman ng Pilipinas? Hindi ba't sa dugo at pawis ng mga Piinong Nagtratrabaho at nagpipilit mabuhay ngunit wala namang magandang pinuntahan ang bawat sentimo na ibinabayad sa gobyerno bilang kanilang BUWIS..Dahil ang BUWIS ay nalalagay lamang sa mabuting bulsa ng mga Pulitikong Garapal, BUWISit!

At eto pa, di ba't madadagdagan na naman ang mga MANGGAGATAS este MAMBABATAS sa Gobyerno? Ibig sabihin marami na namang madadagdag?

1. Madadagdagan ang mga KURAKOT!

2. Madadagdagan na naman ang Mambabawas sa Kaban ng Yaman ng Pilipinas

3. Madaragdagan ang mga magpapahirap sa mga mahihirap ng mamamayan ng Pilipinas.

At ayon sa pagkakatanda ko si Jovito Palaparan, ay Palparan pala, e naging disciplinarian (kuno at wala sa ayos na pandidisiplina) sa mga taong di sumumusunod sa batas (sa batas na na ginawa nila ng kanyang amo!) ..Batas na kapag kinalaban mo ang kanyang mahal na amo siguradong ikaw ay may parusa! Di ba't isa ka sa uupo sa kongreso? Akalain mo 'yon! Napakalakas mo talaga sa iyong amo..Ganyan ba talaga kapag masyado kang masunurin sa mga ipinag-uutos nila sa'yo? Tinganan mo nga naman!! Hindi na pala boto ng mamamayan ang magsasabi kung sino ang gusto nila umupo kundi ang gustong i-appoint ng Pekeng Presidente na ang masusunod.. Hmmm kung PEKE Presidente natin di dapat Peke rin ang mga inia-aapoint nya, tama ba Nogra-LESS? Partylist nyo ata ang BANAT di ba? Dapat kayo BinaBANATan diyan e!!

Eh, kumusta na pala ang mga pinatay na kumakalaban sa gobyerno (mga partylist leaders & members, mga mediamen at komentarista sa radyo at dyaryo) nabigyan na ba sila hustisya?Pa'no yan kung lahat na lang ng mamamayan ng bansang Pilipinas e kakalaban sa gobyerno ay papatayin , sino pang matitira dito? Di sila-sila na lang? E sa'n na kukuha ng magbabayad ng buwis na siya naman nilang ibinubulsa e di wala na silang maibubulsa...Tsk! Tsk! Tsk!Ninipis na ang kanilang bulsa dahil konti na lang ang kanilang Maku-KURAKOT!

Wednesday, April 22, 2009

PILIPINAS, BANSA ng mga KURAKOT!

Marami sa mga nakaupo ngayon sa gobyerno ang nasisilaw sa pera at kaban ng yaman ng Pilipinas. Mula sa nasa mataas na tungkulin pababa ang humawak ng palayok na hindi naulingan....


Bakit kaya hindi mai-turn-over ng gobyerno ang SLEX sa dapat na maging operator nito? Sapat bang maging batayan ang 4 conditions na inihain ng gobyerno bago ito iturn-over? Pa'no naman ang gumastos na pagkalaki-laki para sa pagpapagawa ng daan, pagkuha ng mga tauhan nito para sa pag-o-operate? At pa'no ang mga tauhan na kinuha nila na nawalan ng trabaho dahil hindi pa pagturn-over ng PNCC? Maraming umaasa sa trabahong 'yon na siya na lamang inaasahang bubuhay sa pamilya nila.
At totoo nga kaya ang balita na gagamitin muna ang koleksyon para sa 2010 elections?wag naman sana!


Ang tren na kumukunekta papuntang South hindi ba't nangutang din ng pondo para dito, pero bakit hanggang ngayon sira-sira pa rin ito at nakikita ang kabulukan nito?Ano bang makikita mo pag dumadaan ito?Hindi ba't ampangit ng tren? parang panahon pa ata ni kopong-kopong ang ginagamit na tren hanggang ngayon.walang kasosyal-sosyal! Hindi mo maipagmalaki sa ibang bansa na may progreso sa ating bansa. Hay grabe naman!
HIndi ba't nangutang ang gobyerno ng pondo para dito? Pero the big question there is NASAN ANG PONDO? SAN ITO NAPUNTA? Ay, siguro naman nasa mabuting kamay na 'yon!

Eh, kumusta naman ang mga kalsada na inutangan din ng pampondo (sabagay lagi namang ganun, kapag may ipagagawang project kuno umuutang) para pampagawa kuno sa sira-sira at lubak-lubak na kalsada? May nakita ba kayo? Kung meron man sakto lang ba talaga ang presyo o overprice na naman? Hay busos ns busog na naman ang bulsa ng may bulsa ng isang"Mabuting
Tao!" Pagpalain ka sana sa ginagawa mo!

Haay!! kahit ano pang gawin ng mga Pilipino na pagbabanat ng buto, kung sa bansang ito na puno ng mga kurakot, ay parang walang pag-unlad na mangyayari. Siguro sasapat nga para sa nangangalam na sikmura ang kinikita dahil sa taas ng bilihin, e pano nman ang pag-aaral? Marami na ngayon ang hindi nakakapasok sa eskwelahan dahil walang pang-aral. Ang iba bago makapag-aral namumulot muna ng basura para may pambaon ang ibang kinita naman ibibigay sa nanay nila para kahit pano makatulong. kahit sa murang edad pa lang, namulat na sila sa hirap ng buhay.
Ang miyembro ng isang pamilya na umaalis sa bansa at tinitiis ang hirap at lungkot doon para sa pamilya, o kaya pagdating doon imbes na ginhawa ang maibigay sa pamilya, paghihirap at pagmamaltrato ang ginagawa doon ng mga among walang puso sa mga pilipinong nagsasakripisyo, pero mas pinipili pa anag maghirap doon kesa maghirap sa bansa at mamatay na dilat ang mata!

Sa tuwing dumadaan kaya ang mga CORRUPT OFFICIALS na ito at makita nila ang mga tao sa kalsada na walang matulugan dahil ang iba'y di sapat ang kinikita para sa upa ng bahay at sapat lamang sa pantawid ng gutom, samantalang sila busog na busog, maganda ang higaan!

Mga ilang taon pa kaya ng buhay nyo kayo magpapakasasa sa nagmamantikang Pork Barrel..Kaka high blood di ba?

Kailan kaya kayo magigising at makokonsensiya sa mga ginagawa nyo? Hindi ba kayo napapagod sa pauulit-ulit ninyong ginagawa. Sabagay sino ba naman ang mapapagod kung pera ang pag-u-usapan?

At ang mga tao hanggang kelan kaya maniniwala sa paulit-ulit na pagsisinungaling ng mga WALANG KWENTANG mga PULITIKOng ito?

Sana naman isang araw magising na lang ang mga pulitiko na nakokokonsensiya sa ginagawa nila at isauli sa kaban ng yaman ng pilipinas ang lahat ng kinurakot nila. Para pambayad man lang sa lumulubong utang ng Pilipinas.
Curious ba kayo kung ano mangyayari sa Pilipinas kapag hindi nabayaran ang mga utang nito? Sana naman wag mangyaring pilipinas na mismo ang pambayad sa utang. -exaggerated ba?- Malay mo?