Wednesday, April 22, 2009

PILIPINAS, BANSA ng mga KURAKOT!

Marami sa mga nakaupo ngayon sa gobyerno ang nasisilaw sa pera at kaban ng yaman ng Pilipinas. Mula sa nasa mataas na tungkulin pababa ang humawak ng palayok na hindi naulingan....


Bakit kaya hindi mai-turn-over ng gobyerno ang SLEX sa dapat na maging operator nito? Sapat bang maging batayan ang 4 conditions na inihain ng gobyerno bago ito iturn-over? Pa'no naman ang gumastos na pagkalaki-laki para sa pagpapagawa ng daan, pagkuha ng mga tauhan nito para sa pag-o-operate? At pa'no ang mga tauhan na kinuha nila na nawalan ng trabaho dahil hindi pa pagturn-over ng PNCC? Maraming umaasa sa trabahong 'yon na siya na lamang inaasahang bubuhay sa pamilya nila.
At totoo nga kaya ang balita na gagamitin muna ang koleksyon para sa 2010 elections?wag naman sana!


Ang tren na kumukunekta papuntang South hindi ba't nangutang din ng pondo para dito, pero bakit hanggang ngayon sira-sira pa rin ito at nakikita ang kabulukan nito?Ano bang makikita mo pag dumadaan ito?Hindi ba't ampangit ng tren? parang panahon pa ata ni kopong-kopong ang ginagamit na tren hanggang ngayon.walang kasosyal-sosyal! Hindi mo maipagmalaki sa ibang bansa na may progreso sa ating bansa. Hay grabe naman!
HIndi ba't nangutang ang gobyerno ng pondo para dito? Pero the big question there is NASAN ANG PONDO? SAN ITO NAPUNTA? Ay, siguro naman nasa mabuting kamay na 'yon!

Eh, kumusta naman ang mga kalsada na inutangan din ng pampondo (sabagay lagi namang ganun, kapag may ipagagawang project kuno umuutang) para pampagawa kuno sa sira-sira at lubak-lubak na kalsada? May nakita ba kayo? Kung meron man sakto lang ba talaga ang presyo o overprice na naman? Hay busos ns busog na naman ang bulsa ng may bulsa ng isang"Mabuting
Tao!" Pagpalain ka sana sa ginagawa mo!

Haay!! kahit ano pang gawin ng mga Pilipino na pagbabanat ng buto, kung sa bansang ito na puno ng mga kurakot, ay parang walang pag-unlad na mangyayari. Siguro sasapat nga para sa nangangalam na sikmura ang kinikita dahil sa taas ng bilihin, e pano nman ang pag-aaral? Marami na ngayon ang hindi nakakapasok sa eskwelahan dahil walang pang-aral. Ang iba bago makapag-aral namumulot muna ng basura para may pambaon ang ibang kinita naman ibibigay sa nanay nila para kahit pano makatulong. kahit sa murang edad pa lang, namulat na sila sa hirap ng buhay.
Ang miyembro ng isang pamilya na umaalis sa bansa at tinitiis ang hirap at lungkot doon para sa pamilya, o kaya pagdating doon imbes na ginhawa ang maibigay sa pamilya, paghihirap at pagmamaltrato ang ginagawa doon ng mga among walang puso sa mga pilipinong nagsasakripisyo, pero mas pinipili pa anag maghirap doon kesa maghirap sa bansa at mamatay na dilat ang mata!

Sa tuwing dumadaan kaya ang mga CORRUPT OFFICIALS na ito at makita nila ang mga tao sa kalsada na walang matulugan dahil ang iba'y di sapat ang kinikita para sa upa ng bahay at sapat lamang sa pantawid ng gutom, samantalang sila busog na busog, maganda ang higaan!

Mga ilang taon pa kaya ng buhay nyo kayo magpapakasasa sa nagmamantikang Pork Barrel..Kaka high blood di ba?

Kailan kaya kayo magigising at makokonsensiya sa mga ginagawa nyo? Hindi ba kayo napapagod sa pauulit-ulit ninyong ginagawa. Sabagay sino ba naman ang mapapagod kung pera ang pag-u-usapan?

At ang mga tao hanggang kelan kaya maniniwala sa paulit-ulit na pagsisinungaling ng mga WALANG KWENTANG mga PULITIKOng ito?

Sana naman isang araw magising na lang ang mga pulitiko na nakokokonsensiya sa ginagawa nila at isauli sa kaban ng yaman ng pilipinas ang lahat ng kinurakot nila. Para pambayad man lang sa lumulubong utang ng Pilipinas.
Curious ba kayo kung ano mangyayari sa Pilipinas kapag hindi nabayaran ang mga utang nito? Sana naman wag mangyaring pilipinas na mismo ang pambayad sa utang. -exaggerated ba?- Malay mo?

No comments: