Thursday, June 4, 2009

Eleksyon.....


Sa twing sasapit ang eleksyon maraming mga pulitiko ang nagnananis na makaupo sa bawat pwesto kung san sila tumatakbo.Pero bakit nga ba gusto nila makaupo? Gusto nga ba nila talagang makatulong o dahil para sa sarili nilang interes?


Bawat isa may kanya kanyang plataporma.. Plataporma na hindi nila ngagawa pag dumating na ang araw na nakaupo na sila..


Kanya-kanya sila ng siraan at labasan ng baho,basta ang importante masungkit lang nila ang pwestong target nila.


GUsto nila ng mas mattas na pwesto.. Minsan target pa nila ang pagka Pangulo..


Minsan isang bata ang tinanong, "Ano'ng pangarap mo paglaki mo?"

Sagot ng bata "Gusto ko po maging presidente" Tinanong ulit sya, "dahil ba gusto mo makatulong sa bayan?" ang sagot ng bata, "Hindi po. Para yumaman din po ako."


Hindi magandang biro pero minsan kung ano ang nakikita ng isang bata ay syang tinutularan nila. Kung ano ang nakikita nila sa matanda kahit mali ito, nagiging tama ito sa paningin ng isang bata. Iniidolo ang maling tao.


Kung gusto man nyang maging pulitiko balang araw, siguro'y para hindi makatulong kundi para tularan kung ano ang kanyang nakalakhan sa mundo ng pulitika, na puno ng pangungurakot at laging nagbubulsa..



Sana meron ding kumandidato na hindi sariling kapakanan ang iniisip..

Sana dumating ang araw na mauntog ang mga BUWAYANG PULITIKO na ibalik sa kaban ng yaman ng pilipinas ang kanilang ninakaw.

Sana sa pagtakbo ng pulitiko hindi ang Nagmamantikang PORK BARREL ang kanilang puntirya kundi ang pagtulong sa kanilang nasasakupan.. AT marami pang SANA na sana matupad..


No comments: