Tuesday, August 18, 2009

Nasaan anmg Pondo?

Pinaghihirapan ng bawat pilipino na nagtratrabaho sa ibang bansa ang kinikita nila at tinitiis ang hirap, pati ang malayo sa pamilya ay tinitiis nila para lang mabigyan ng magandang buhay ang pamilyang naiwan nila dito sa pilipinas.

Bukod doon nakakatulong din sila sa pagganda ng ekonomiya natin, pero bakit hindi man lang magawang tulungan ng mga lintik na nasa gobyerno ang mga kababayan nating nagtratrabaho sa ibang bansa, at imbes na tulungan NILUSTAY pa ang P11B Pondo na para sa mga OFW.

Marami sa mga pilipino at pinagmamalupitan ng mga employer, naloloko ng mga pekeng recruiter, iba ang pinirmahng kontrata dito yon pala ang gagawing trabaho doon. Wala man lang pangil na pwede prumotekta sa kanila sa mga mapagsamantala.

Grabe nang pagpapahirap sa kanila. Wag naman sana silang ipagsawalang bahala. Hindi na nga ninyo sila maprotekthan ng maayos tapos kukunin at ibubulsa pa ninyo ang dapat sana'y para sa kanila. Wag naman sana silang babuyin.

Hindi ba kayo nahihiya? Gano'n na ba talaga kakapal ang mga pagmumukha nyo? Ibalik ang dapat na para sa kanila. Wag kayong manggoyo. Tandaan nyo mamamatay din kayo at di nyo yan madadala sa IMPIYERNONG PUPUNTAHAN ninyo. Maawa kayo sa kanila.

No comments: