Friday, August 21, 2009

HINDI kasi Kagalang-galang!!

Nakapasok ang mga raliyista sa gate na Malakanyang, at dahil na naman sa masyadong paggamit ng kapangyarihan, ang mga raliyistang kawawa ay pinagpupu-pukpok ng mga sunud-sunurang pulis na inutusan ng demonyong si Gloria.

Ang rason nila, pambabastos na raw iyon. Sa gate lang naman 'yon e, hindi pa naman mismo sa loob ng Palasyo. Bakit natatakot ba kayong mangyari ulit 'yong nangyari noon?

Isa pa, naghahanap kayo ng respeto. Tanungin nyo mga sarili nyo kung karespe-respeto ba kayo? HUH?

'Wag na kayong umasa na irespeto pa kayong mga tao kasi mga Hayop naman kayo. Mga wala kayong puso.

Sa dami na ng mga ginawa nyong kasalanan sa taong bayan, naghahanap pa rin kayo ng respeto. Por Dyos Por Santo naman. Ang Kapal din naman kasi ng mukha nyo.

Nakukuha nyo pang humarap sa taong bayan s ginawa ninyong panggagago ninyo.

Grabe! Anlaki ng perang inubos ninyo sa pagkain lang ng ilang tao. Kahit pa sabihing pera nyo yan kung ibinigay nyo na lang yan sa mahihirap, di nakatulong pa kayo, pero sigurado ba talaga kayong pera nyo yan? Madali lang namang magsinungaling lalo na sa mga taong MADALAS ng GAWIN yan. EXPERT ba?

Akala ko ba nabawasan ang mga taong nagugutom, e bakit yong balita sa TV PATROL (Aug. 14, 2009) e may taong namatay sa gutom. YAn ba? Yan ba ang ipinagmamalaki nnyong nabawasan ang nagugutom? Naka!! Saksakan ka talaga ng sinungaling. Baka kayo lang ang hindi nagugutom.

Tapos maghahanap kayo ng respeto? Heller?

No comments: