Wednesday, May 20, 2009

POOR EDUCATION NO.1 ANG PILIPINAS

Malapit na naman ang pasukan pero marami na namang...Malapit na naman ang pasukan pero marami na namang problemang haharapin ang mga estudyante, guro at pati mga magulang na siyang nagtutustos ng pag-aaral ng kanilang mga anak..

Bawat taon lagi na lamang nagtataas ang paaralan ng matrikula pero kahit ganun, pikit mata minsang nangungutang ang mga magulang, maigapang lang nila sa pag-aaral ang kanilang mga anak at makita nila ang diploma nila..

Ngunit bakit hindi na lang pagtuunan ng gobyerno ang edukasyon dito sa ating bansa. Pagdating sa EDUKASYON bagsak ang pilipinas, pero pagdating sa CORRUPTION nangunguna ang pilipinas.

Bakit kaya hindi na lang idonate ang mga kinukurakot nila para sa mga batang hindi kayang pag-aralin, imbes na ibulsa ilagay na lang sa edukasyon ang pondo ng sa gayon marami pang bata ang makapag-aral at makinabang.Huwag lang sanang puro sarili ang isipin..

Marami ngayon ang lumalabas sa tv kung ano ang masaklap na kalagayan ng ating bansa.. Masyadong POOR ang EDUCATION..

..Kulang ang classrooms
..Kulang ang upuan..Kulang ang mga teacher
..KUlang ang libro (minasan mali-mali pa ang laman ng libro at wrong spelling pa.. ano ba yan?!)
..Kasi palibhasa ang namumuno at nasa gobyerno, KULANG-KULANG!!kaya pati edukasyon KULANG!!

Wag naman sanang pairalin ng mga nakaupo ang kakapalan ng mukha.. Maawa nman sana mga magulang at batang nagnanais at nangangarap makatapos ng pag-aaral.Napakahalaga para sa isang tao ang magkaron ng EDUKASYON..

Ito ang pinaka kayamanan ng mga taong nakapagtapos.wag naman sanang ipagkait ito sa mamamayan ng pilipino.At sa iba pang nakaupo na puro banat lang ang inaatupag, wag din sanang yan ang atupagin nyo..Marami pang mas makabuluhang bagay ang dapat na pagtuunan ng pansin..

Napakahirap pa nmang humanpng trabaho pag wala kang natapos!

Sa mga CORRUPT OFFICIALS, goodluck na lang sa mag KONSENSIYA nyo (kung meron man kayo!..)