Saturday, April 25, 2009

Ang GOBYERNO ng PILIPINAS Bow!!!!

Paulit-ulit na lang ang nangyayari sa magandang (sa kabaliktaran) pamamalakad ng gobyerno sa ating bansa..

Paulit-ulit na lang ang mga garapal na PULITIKO na nagnanais pang ma-extend ang kanilang katungkulan sa gobyerno. Marahil nasarapan sa KAPANGYARIHAN na tinatamasa. At hindi lang Kapangyarihan pati ang PAGKAMAL at PANGHUHUTHOT nila sa Kaban ng Yaman ng Pilipinas..Saan nga ba nanggagaling ang Kaban ng Yaman ng Pilipinas? Hindi ba't sa dugo at pawis ng mga Piinong Nagtratrabaho at nagpipilit mabuhay ngunit wala namang magandang pinuntahan ang bawat sentimo na ibinabayad sa gobyerno bilang kanilang BUWIS..Dahil ang BUWIS ay nalalagay lamang sa mabuting bulsa ng mga Pulitikong Garapal, BUWISit!

At eto pa, di ba't madadagdagan na naman ang mga MANGGAGATAS este MAMBABATAS sa Gobyerno? Ibig sabihin marami na namang madadagdag?

1. Madadagdagan ang mga KURAKOT!

2. Madadagdagan na naman ang Mambabawas sa Kaban ng Yaman ng Pilipinas

3. Madaragdagan ang mga magpapahirap sa mga mahihirap ng mamamayan ng Pilipinas.

At ayon sa pagkakatanda ko si Jovito Palaparan, ay Palparan pala, e naging disciplinarian (kuno at wala sa ayos na pandidisiplina) sa mga taong di sumumusunod sa batas (sa batas na na ginawa nila ng kanyang amo!) ..Batas na kapag kinalaban mo ang kanyang mahal na amo siguradong ikaw ay may parusa! Di ba't isa ka sa uupo sa kongreso? Akalain mo 'yon! Napakalakas mo talaga sa iyong amo..Ganyan ba talaga kapag masyado kang masunurin sa mga ipinag-uutos nila sa'yo? Tinganan mo nga naman!! Hindi na pala boto ng mamamayan ang magsasabi kung sino ang gusto nila umupo kundi ang gustong i-appoint ng Pekeng Presidente na ang masusunod.. Hmmm kung PEKE Presidente natin di dapat Peke rin ang mga inia-aapoint nya, tama ba Nogra-LESS? Partylist nyo ata ang BANAT di ba? Dapat kayo BinaBANATan diyan e!!

Eh, kumusta na pala ang mga pinatay na kumakalaban sa gobyerno (mga partylist leaders & members, mga mediamen at komentarista sa radyo at dyaryo) nabigyan na ba sila hustisya?Pa'no yan kung lahat na lang ng mamamayan ng bansang Pilipinas e kakalaban sa gobyerno ay papatayin , sino pang matitira dito? Di sila-sila na lang? E sa'n na kukuha ng magbabayad ng buwis na siya naman nilang ibinubulsa e di wala na silang maibubulsa...Tsk! Tsk! Tsk!Ninipis na ang kanilang bulsa dahil konti na lang ang kanilang Maku-KURAKOT!

No comments: