Friday, August 21, 2009

HINDI kasi Kagalang-galang!!

Nakapasok ang mga raliyista sa gate na Malakanyang, at dahil na naman sa masyadong paggamit ng kapangyarihan, ang mga raliyistang kawawa ay pinagpupu-pukpok ng mga sunud-sunurang pulis na inutusan ng demonyong si Gloria.

Ang rason nila, pambabastos na raw iyon. Sa gate lang naman 'yon e, hindi pa naman mismo sa loob ng Palasyo. Bakit natatakot ba kayong mangyari ulit 'yong nangyari noon?

Isa pa, naghahanap kayo ng respeto. Tanungin nyo mga sarili nyo kung karespe-respeto ba kayo? HUH?

'Wag na kayong umasa na irespeto pa kayong mga tao kasi mga Hayop naman kayo. Mga wala kayong puso.

Sa dami na ng mga ginawa nyong kasalanan sa taong bayan, naghahanap pa rin kayo ng respeto. Por Dyos Por Santo naman. Ang Kapal din naman kasi ng mukha nyo.

Nakukuha nyo pang humarap sa taong bayan s ginawa ninyong panggagago ninyo.

Grabe! Anlaki ng perang inubos ninyo sa pagkain lang ng ilang tao. Kahit pa sabihing pera nyo yan kung ibinigay nyo na lang yan sa mahihirap, di nakatulong pa kayo, pero sigurado ba talaga kayong pera nyo yan? Madali lang namang magsinungaling lalo na sa mga taong MADALAS ng GAWIN yan. EXPERT ba?

Akala ko ba nabawasan ang mga taong nagugutom, e bakit yong balita sa TV PATROL (Aug. 14, 2009) e may taong namatay sa gutom. YAn ba? Yan ba ang ipinagmamalaki nnyong nabawasan ang nagugutom? Naka!! Saksakan ka talaga ng sinungaling. Baka kayo lang ang hindi nagugutom.

Tapos maghahanap kayo ng respeto? Heller?

Tuesday, August 18, 2009

Nasaan anmg Pondo?

Pinaghihirapan ng bawat pilipino na nagtratrabaho sa ibang bansa ang kinikita nila at tinitiis ang hirap, pati ang malayo sa pamilya ay tinitiis nila para lang mabigyan ng magandang buhay ang pamilyang naiwan nila dito sa pilipinas.

Bukod doon nakakatulong din sila sa pagganda ng ekonomiya natin, pero bakit hindi man lang magawang tulungan ng mga lintik na nasa gobyerno ang mga kababayan nating nagtratrabaho sa ibang bansa, at imbes na tulungan NILUSTAY pa ang P11B Pondo na para sa mga OFW.

Marami sa mga pilipino at pinagmamalupitan ng mga employer, naloloko ng mga pekeng recruiter, iba ang pinirmahng kontrata dito yon pala ang gagawing trabaho doon. Wala man lang pangil na pwede prumotekta sa kanila sa mga mapagsamantala.

Grabe nang pagpapahirap sa kanila. Wag naman sana silang ipagsawalang bahala. Hindi na nga ninyo sila maprotekthan ng maayos tapos kukunin at ibubulsa pa ninyo ang dapat sana'y para sa kanila. Wag naman sana silang babuyin.

Hindi ba kayo nahihiya? Gano'n na ba talaga kakapal ang mga pagmumukha nyo? Ibalik ang dapat na para sa kanila. Wag kayong manggoyo. Tandaan nyo mamamatay din kayo at di nyo yan madadala sa IMPIYERNONG PUPUNTAHAN ninyo. Maawa kayo sa kanila.

Wednesday, August 12, 2009

Ang Kakapal ng Mukha Nyo....!!!!

Marami sa ating mg pilipino ngayon ang nagdarahop. Kahit anong pursige nila sa trabaho minsan kinukulang pa rin sahod nila, kaya tinitipid nila ito, pati ang pagkain, pero ang mga nasa gobyerno nakuha pang kumain ng pagkaing halos isang milyong piso ang halaga..

GRABE! Kahit sabihin ninyong galing yan sa bulsa ninyo, sana naisip nyo na marami sa mga pilipini ngayon ang naghihirap. Sa isang milyong piso na yan, maraming pamilya na ang mapapakain n'yan!

Palibhasa wala kayong awa sa mga nasasakupan nyo at naaatim ninyong makita silang namamatay sa gutom basta para sa inyo makakain ng maayos.

Mabuti at nasisikmura ninyong kumain nang hindi naiisip ang mga kababayan ninyong nagugutuman..

Mga WALANGHIYA kayo!! Mga WALA kayong Kwenta na naging tao..

Ang KAKAPAL ng MUKHA nyo.. Mabuti at nakukuha nyo pang humarap sa sambayan sa kabila ng ginagawa ninyong kagaguhan!!

Sunday, August 9, 2009

Kalayaan!!


..Tinatamasa natin ngayon ang kalayaan na ipinaglaban noon sa Edsa.


Kalayaanng bumoto ng nais nating iluklok at kalayaang ipahayag kung ano ang nasa loob. Hndi ba't kusarap damhin ang kalayaang ito?


Ngunit minsang niyurakan ang kalayaang nating mamili ng nais nating iboto ang nais nating pangulo at sya sana ang nanalo kung hindi nakialam at minaniobra ng isang taong hangal ang halalan.


Dahil sa nais nyang manitili at tumagal sa pwesto kung ano ang pinaggagagawang kabalbalan sa gobyerno. Nariyan ang isulong CHA-CHA, at kapag minalas pa tayo maaari pa syang magdeklara ng martial law na syang muling sasakal sa mamamayang pilipino.


Hanggang kailan natin matatamasa ang KALAYAANg ito? Hanggat nariyan sa ang isang taong sakim sa kapangyarihan, ayaw maalis sa pwesto at handang gawin ang lahat para tumagal sa pagkakaluklok, walang kasiguraduhan ang kalayaan natin ngayon..