Monday, June 1, 2009

ADIK, SABOG, BANGAG....

Kadalasan pag sinabi mong ADIK para sa iba ang literal na ibig sabihin nito ay "pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot!", ngunit hindi porke sinabihan kang "Adik ka!" ay yon na ang ibig sabihin non!

SA mga nakaupo sa Gobyerno, ay maraming matatawag na ADIK!

ADIK sa kapangyarihan...

ADIK sa pagkagahaman...

ADIK sa kasuwapangan!..

ADIK sa pagkamal sa pera ng bayan.!!!!


TULAD ng isang literal na ADIK, ang mga KURAKOT na nasa mga pwesto ay SABOG sa tinatamasa nilang kapangyarihan! Sila ang diyos sa kanilang nasasakupan! Kapag pumiyok ka at tinuligsa mo ang mga nakaupo sa gobyerno, "Patay kang bata ka!".

AT tulad ng isang ADIK na nasobrahan, sila'y BANGAG na sa pagkamal ng salapi sa pera ng bayan! Ibinubulsa ang perang dapat sana'y sa mga proyekto na siya sanang kapapakinabangan ng bawat mamamayan ng Pilipinas at makatulong sana sa mg ataong kapos ang pamumuhay ngunit dahil sa mga walang awa ng mga GANID na pulitiko hindi napupunta sa tama ang pondo kundi sa tamang bulsa ng ADIK na Pulitiko..



HANGGANG kailan kaya magtitiis si Juan sa lahat ng ADIK sa gobyerno??

HABAMBUHAY?


Wag naman!!!

No comments: